Friday, March 27, 2009

my sisters continuation

RUBY ESTRADA (ate ruby) Ate ruby is a kind of person na parang nanay ang dating kasi she is a verry organized person,she is only ate in the family but dapat yata sya ang nanay kasi papagalitan ka talaga nya pag d nakaayos ang mga bagay sa loob ng bahay.She is always busy at her work,tired but she always had time to make the house well organized.Sya rin ang original garage quen hahaha why? kasi sa kanya ko natutunan ang bumili ng mga bagay at gamit sa garage para makamura.Pag nasa bahay yan di na ata yan nagpapahinga para magligpit lang.Sometimes you feel offended sa mga sinasabi nya pag makalat ang bahay but now sanay na kami dahil nga gusto nya lang panatilihing malinis at maayos ang aming munting palasyo,kaya ate keep it up!!!!



GEMMA CORPUZ (gemma) Well actually i really dont know gemma well coz bihira naman din sya na umuwi sa apartment coz she live already in burlington but eventhough madalang sya umuwi i know na she care for the family and she always find time also to attend all the important gatherings in the apartment.Kahit na di kami masyadong close i know she is a good and cool person yung tipong di nya paguukulan ng pansin ang mga bagay na magiging problema lang.




JOLLY ARMADA (jolly) Jolly is a kind of person na titirahin ka nya pag mali ka pero she is really a nice person as kapatid or a friend she the pinakamaputi sa sisters,nakakatawa sya the way she talk coz actually di bagay ang tining ng boses nya dahil sa laki nyang babae.She's one of a good singer sa pamilya wait!good or trying to be GOOD?hahaha whatever...She is a good business man kasi pag may utang ka talaga sa kanya hayyyy di ka nya tatantanan ooops di nya kamag anak si mike enriquez..hehehe joke!!!She is really a good cook,i really like her for that especially when she make my favorite maja blanca.She is also a hardworking person kahit wala pang baby napakasipag kaya naman isa sya sa mayaman kong kapatid here in canada...kaya jolly pautang?hehehe!



GRACIELLE Q.VIDAL (gay) Small but terrible,sya naman ang tinuring kong pinsan sa lahat ng sister ko kasi parehas kami ng province and my mom said lubang island is only small place kaya halos lahat ng tao dito ay magkakamag anak.Kaya ng na meet ko sya here in canada tinuring kona sya na pinsan ko.Gay is a type of person na lahat na ata ng kalokohan at kaabnormalan ay nasa kanya yung tipong dika ma boboring kahit maglagbay kapa mula apari hangang julo di yan mauubusan ng mga kalokohan na kwento.tunkol sa kaabnormalan at mga kwentong pang alamat.Sya ang bunso ng sisters kasi bukod na sya ang pinakabata sya din ang pinakamaliit.pero wag ka kahit maliit yan slightly use yan hahaha!!!

Yan ang mga kapatid ko dito sa canada.Iba iba man ang aming mga pinagmulan nagsama sama naman kami dito sa canada bilang magkakapatid,at bilang magkakaibigan nagdadamayan sa lahat ng problema,mahirap man ang buhay sa canada ay nagiging madali rin paminsan minsan dahil sa kanila.

Sunday, March 22, 2009

My sister's in Canada

Its really hard to live,and to work in a far away country,specially without your family.Even that we know that we are here because of them,But sometimes we want to be with them specially if were not feeling well or if we had a problem hay there's "No place like home"we always think of that.But we need to accept the reality we need to be strong for our family.

I am staying in canada for almost 1 year,yes i admit i really miss my family in the philippines,but i am so lucky coz i found a real friend here in canada,why i said real???coz they are always here for me,they always lift me up when im down,advice me all the time,and the most important is THEY BELIEVE IN ME!!!ang sarap ng mabuhay pag totoo ang mga kasama mo...kaya i treat them as my own family.MY SISTER'S...

NORWINA TOLENTINO (ate winnie)
She is the ate of the family o oh,not just because she is older,but she is the first member of the family.Sya ang lanie mercado ng pamilya kasi kahawig sya ni lanie mercado kaso ate bakit mo naman nilipat ang nunal ni lanie mercado sa baba ng mata mo diba dapat nasa itaas ng mata yan??hahaha!joke lang,ate winnie is a cool person sya yung tipo ng tao na pwede mong kwentuhan ng kalandian,kaartehan,mga emote things,kasayahan at kabaduyan makikinig yan sayo kahit magdamagan,mag aadvice na para laging galit.Pero nagpapaliwanag lang naman pala ganon lang talaga boses nya,sya yung tipo ng tao na napakadali mong i approach,sya nga kasi ang ate.pero wag na wag mong gagalitin dahil pag nagalit naman nako po....magtago kana sa saya ng nanay mo,kabitenya ba naman yan ay nako....sweet person si ate winnie sya kasi yun tao na napaka thoughtful,bihira lang syang bumisita sa apartment but she never forget to call us just to say hi and how are you!almost 3 years na sya d2 sa canada kaya naman napaka islang na nya magsalita ng english thats why sometimes yung"p" ginagawa na nyang F at B ay ginagawa na nyang V,oh diva laVan fa kayo?

DONNA ALNAS (donna) Sya ang tinaguriang taray quen ng pamilya not just because she is mataray,but she is really "prangka"kung magsalita.papagalitan at sisitahin ka nya kung mali ka,at mahilig din mangaral para na rin sa kabutihan namin,Most of the time nakataas ang kilay nya lalo na kapag namili o nag shopping ka na di naman talaga kailangan,magtipid at matutong mag ipon.Yan ang lagi nyang pangaral,pano ba naman sumasakit na ata ulo nya sa amin.Sya kasi ang utangan ng pamilya.Dahil sa sobrang kuripot nya paminsan minsan kaya sya naman ang may pinaka malaking pera at ipon sa amin,mataray sya sa pananalita at pagkilos pero once na dumaing kami sa kanya hindi kami kailan man nagdalawang salita.kung si ate winnie ay pwede mong kwentuhan ng kalokohan at kaabnormalan,eto naman si donna ay wag na wag dahil tyak dalawang kilay ang tataas at may kasama pang mabigat na pangaral,gusto mo bang panlakihan kapa ng mata?kaya wag na pag kalokohan rin lang itago mona lang.


JULIE DAGADAG (july) Sya naman ang tinaguriang juniora ng pamilya,bakit?dahil kuha kuha nya ang style ng isang ama.Si july ang type na para laging seryoso pero wag ka nasa loob ang kulo,isa ring puro kalokohan ang alam,wag na wag kang magbibihis sa harap nya dahil kung hindi lamas ang suso mo,Minsan mahirap din syang tabihan.Dpat kasi pag katabi mo sya may suot ka laging mask o pantakip sa ilong.bakit?sa hilig ba namang magpasabog ng kanyang utot!hayyy polluted air lagi ang malalanghap mo.hahahaha!july is a type of person na hindi mo alam kung dapat mong kwentuhan ng kadramahan o kaartehan ng buhay mo dko kasi alam kung makikinig sya,Kasi nga puro kalokohan lang ang alam.laging nakangisi at naka bungisngis.tipong walang problema sa buhay!But pag seryosong usapan na talaga at kasangkot ang pamilya wag ka mag loko loko at mababara ka.

GRACE SEMINIANO (gracie) Gracie is a kind of person na napaka sweet lalo na pag nagsalita napakalumanay na para bang di makakabasag ng pingan,she is also from mindoro kaya naman ang beauty ayyyy itataya mo ng pustahan.Once in a while lang namin sya makasama dahil sa layo ng lugar nya sa amin,but hindi yun nagiging hadlang para maputol ang communication namin sa kanya.Gagawa at gagawa sya ng paraan para makarating sa imporatanteng okasyon na ginaganap lagi sa apartment.Even though she had already Ryan in her life she always have time parin for us.kahit bitbitin nya pa si ryan at dalahin sa amin makita lang kami at makasama.



JANNETH DELA CRUZ (janneth) She is the second "prangka"of the family.Nung una talagang ilag ako sa kanya dahil dko sya type the way she deliver the word,kahit pa biro lang syempre dahil bago palang ako at madamdamin lagi kong dinadamdam ang mga sinasabi nya about me.Before kasi madalang sya umuwi sa apartment kaya bihira din kami magkaroon ng time to bonding.Kaya malayo ang loob ko sa kanya,pero nung madalas na sya umuuwi sa bahay dun ko nakilala ang totoo nyang ugali,masaya pala sya kasama at minsan nakakinip na pag wala sya sa bahay,minsan tuloy feel ko "boring" na pag wala sya.Janneth is also a type of women na napaka cool kasama,pwede morin syang kwentuhan ng kalokohan,kaartehan at kalandian,Sya ang type ng tao na wala atang hilig matulog,kahit ata pagod na pagod yan basta puyatan gising yan 25 hours a day.She is a type of friend or sister na ipagtatangol ka kahit kanino kahit pa ikaw ang mali,pero magtago kana pagdating sa bahay pag alam mong mali ka dahil dun ka naman nya sasabunin.Believe ako sa kanya kumanta kasi feel ko pag sya ang back up singer sa JIL church para kasing buhay ba buhay dahil sa kaartehan nya.hahahahaa!She is also a type of person na dka uurungan sa inuman kahit pa ata magdamagan.



MARISSA GOLORAN(mariz) She is the diplomat of the family.WHY?kasi sya yung tipo ng tao na di basta basta nagagalit,at madaling maghusga kakausapin ka muna nya ng maayos pero pag sumamblay ka, lagot ka.Bihira din sya kung pumunta sa apartment coz of her hectic schedules but she always find time para makipag kulitan,at tirahin ako sa asaran,kasalanan koba na love din ako ni vince?hahaha!Mariz is also a type of person na pwede mong kwentuhan ng kalokohan but you make sure na wala kang tatapakan na tao dahil kung hindi..tabalado ka.Masaya din sya kasama coz of her coolness,kalog,cowboy lahat na ata na pwde mong hanapin sa isang kaibigan at kapatid ay nasa kanya na kaso sometimes may pagka maarte pero carry naman nya kaya best?STOP IT!!!!

Thursday, March 19, 2009

canada's life

Hay sa hinaba haba ng panahon nakarating din ako d2 sa canada.actually it was only a dream before,akala ko sa postcard kolang makikita ang snow,sa tv o sa magazine,but this is it im here in canada....its so funny coz before i am just thinking how the ice falling from the sky?nakakahiya mang aminin para akong inosente pagdating ko dito,it was june 6.2008 when i arrived here,nakakagulat actually ilang beses kong tiningnan ang mga relo na nakikita ko kung tama ba o mali coz i arrived here @ 8:oo pm pero ang taas pa ng araw.so i thought mali ang relo ko akala ko 3 in the afternoon palang.

Im really so excited pagdating ko dito kaya naman habang nakasakay ako sa airbus talagang naka masid ako sa labas kung ano ba meron ang canada at kung gaano kaganda ito.but then dko naman maaninag kasi ba naman halos 3 hours akong naka stay sa immigration office para lang i check ang resume ko kaya paglabas ko ng airport madilim na.


nung una kong makita ang canada di nga nagkamali ang postcard maganda nga ito at talaga namang mapapahanga ka sa ibat ibang klase ng design ng mga bahay,minsan iniisip ko...kung may ganito lang ako kalaking bahay sa pilipinas tyak utangan na ako ng buong barangay,dahil masasabi na akong isang mayaman pero dito sa canada walang mahirap at mayaman dahil pantay pantay lang ang turingan ng mga tao dito.tawag ko nga sa amo ko sa pangalan lang nila di pala sila gumagamit ng sir and mam dito?

Summer,when i first time arrived here kaya naman when the first time i saw an apple tree tinanong kona agad ang mga kaibigan ko kung nakakain ba yun then they was laughing and say "ofcourse mansanas kaya yan"hehe malay koba naman.kita ng first time makakita ng appple tree,biro moba naman dito nagkakandalag lag lang sa daan ang mansanas samantalang sa pilipinas mayaman kana pagnakabili ka ng ilang pirasong mansanas.aaminin ko dito lang ako nakakita ng totoong apple tree,cherry tree,peach tree at grape yard.wala kasi nito sa pinas,sa malaysia ay sa taiwan na mga bansang narating ko.

Here in canada ....life is not really so easy...akala ko din nung una madali ang pera dito di rin pala.akala lang ng mga tao sa pilipinas purkit na nandito ako akala nila madaling kumita ng pera.purkit nakikita nila sa mga pictures ko na namimitas ako ng cherry,akala nila ganon din kadaling pitasin ang pera,di lang nila alam na pudpod na ang mga kamay ko,sakit na ng likod ko kakukuskos ng mga sahig at kaba bras ng inodoro,haaay....minsan tuloy naiisip ko bakit pa kailangan nila ng may degree ka sa pinas then when you go here isa kalang palang dakilang katulong?but anyway ganon talaga ang buhay.sabihin na natin yun ang puhunan para makarating ka dito...

Sa mga naranasan ko dito sa canada nakakilala ako ng ibat ibang klase ng tao,may totoong kaibigan at may kunyaring totoo,pero nasa pakikisama yan ng tao kung pano mo dadalahin at kung pano mo makikilala ang tunay na kaibigan,pero minsan nagpapasalamat ako sa mga taong nanakit lang sa akin dito.dahil kung di dahil sa kanila di ako magiging malakas at di ako matututong humarap sa mundo.masasabi ko parin na maswerte ako dahil sa mga kaibigan ko ngayon na kasama ko.mabait talaga ang dios kasi mula noon hangang ngayon dinadala nya parin ako sa mga mabubuting kamay.hahaha

O sige na hangang dito nalang boring ba???umpisa palang kasi drama na eh emote ko kasi to dito ko isusulat ang masasaya at malungkot na nangyayari sa buhay ko...till next time!!!!